Ang nobelang El Filibusterismo ay tunay na obra maestra ni Dr. Jose Rizal. Naiba niya ang paningin ng mga tao na nakapaggising sa tunay na kalayaan. Ngunit, tulad ng “Noli Me Tangere”, hindi nagging maganda ang katapusan at ito ay tinatawag na isang “Trahedya”. Puno ng galit, paghihiganti at kasamaan ang nagging buod ng nobelang ito upang mabawi ni Simoun o ang dating Ibarra ang nararapat na katarungan, di lang sa kanyang buhay, pati na rin sa buong bansa. Tunay na pinaghirapan ito ni Dr. Jose Rizal at dapat natin basahin ito upang malaman natin ang mga naganap sa ating kasaysayan at masuri natin ang tunay na klasikong panitikan ng Makabayang Pilipino.

Sa aking opinion ang ginawang pagtatago ni Simoun ay isang nakapatalinong ideya. Meron siyang malaking plano upang pabagsakin ang pamahalaan at ito ay nagbigay ng pagaalinglangan sa akin. Di ko mapigilan ang sarili ko na tumutok sa mga susunod na Kabanata dahil habang tumatagal lalong gumaganda ang kwento.

Malalaman mo rin dito ang iba pang kanser o sakit ng lipunan na siyang nais ipabatid sa atin ni Dr. Jose  Rizal. Kung paano ito  nagawa ay malalaman  mo kung uunawain mo ang mga kabanatang nakapaloob sa modyul na ito  tulad  ng Kabanata XI – Los Baños , Kabanata XII – Placido Penitente, Kabanata XIII – Ang  klase sa Pisika na binigyan ko ng pamagat na “Mga Sakit ng Kalooban”. Nandito rin ang  Kabanata XIV – Sa Bahay ng mga Estudyante, Kabanata XV – Si Ginoong Pasta at Kabanata  XVI – Ang Mga Kapighatian ng Isang Intsik na binigyan ko naman ng pamagat na ‘Kahilingan.  Dito mo rin mababasa ang buod ng Kabanata XVII- Ang Perya sa Quiapo, Kabanata XVIII –  Mga Kadayaan, Kabanata XIX – Ang Mitsa at Kabanata XX – Ang Nagpapalagay na binigyan  ko ng pamagat na ‘ Mga Palaisipan’.

                Nailalapat at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at pamantayan sa  pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri kaya’t heto ako ngayon nagsusuri sa kwentong El Filibusterismo.

                Kanser ng lipunan, problema ng pamahalaan at ang mga sagot dito. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. At makikita natin ang patak ng pawis at dugong ibinigay ni Rizal upang maligtas an gating bansa. Kaya’t dapat nating basahin ang mga masasamang balak ni Rizal na pasabugin ang bayan at maligtas si Maria Clara na namatay na.

Created by FUN TUMBLES

About these ads